she said... she said... she said...

Friday, August 19, 2005

ulap

gusto kong lumipad
patungo sa isang lugar
malayo.. malayung-malayo
kasama ng mga anghel.

pero ang problema,
wala akong pakpak
kaya gustuhin ko man...
hindi ko naman kaya.

nandito na lang ako
walang ibang kayang gawin
kundi ang tumingin sa lugar
na ni hindi man lang maabot ng tanaw.

ikaw, na hindi kayang abutin
kahit anong pilit man ang gawin
tumatanaw ka rin ba sa kawalan
patungo sa lugar na kinatatayuan ko?

dahil hindi ko kayang lumipad,
sana na lang, isang araw
dumating ka at ilipad ako
sa tulong ng mga pakpak mo.

10 Comments:

  • hmmm [sad]

    By Blogger anjiedy, at 1:39 AM  

  • hmmmm, din...

    By Blogger DOPS, at 8:36 AM  

  • makiki hmmm din ba dapat ako? (grin)

    By Blogger chum, at 7:42 AM  

  • di ba tong ulap na to nasa blog ni shadow?

    By Blogger DOPS, at 10:44 PM  

  • dops... ahmm... kung mapapansin mo, "posted by shadowlane", yan nga din un... "sisters" kse kme na owner ng blog na to.. hehehe

    By Blogger anjiedy, at 11:17 PM  

  • aba teka... may impostor dito ah! sinong shadowlane tong nagpo-post ng writings ko dito???

    wehehehehe... oo dops, si shadowlane dito at si shadowlane sa kabila eh iisa lang.

    By Blogger shadowlane, at 3:07 AM  

  • dops... sana ay naliwanagan ka... hihihih

    By Blogger anjiedy, at 4:10 AM  

  • ganon ba? nyeee... ah ok, at sino namn si dychee?

    By Blogger DOPS, at 12:58 AM  

  • ahhh... si dychee ay si diche... ate = shadowlane, diche = dychee, bunso [ganda] = anjiedy

    kami po ang sisters na may-ari ng blog na to... hehehe darating ang panahon makakadaupang palad mo rin sia... [big grin]

    By Blogger anjiedy, at 1:25 AM  

  • napakaganda nga naman pagmasdan ang ulap nakakatuwang mag imagin na lumilipad tayo, minsan nga talagang alam natin na mahuhulog tayo...noong nag decide ako na lumipat ng blog napaka lungkot ko as in napatingin ako sa ulap kaya naging "fallin'" ang tittle ng blog ko...ang enerhiya ng (hangin)represents faith hope and love ang nagpalipad sa'kin ....

    just hang on po :)

    cheers

    By Blogger LadyWhiteSpirit, at 5:42 AM  

Post a Comment

<< Home