she said... she said... she said...

Saturday, December 30, 2006

birthday

birthday ni ate ngayon!
yahoo!!!!
inuman na!!!

Wednesday, April 19, 2006

tama at mali

minsan naiisip ko kung mali ba ang concept ko ng tama at mali. sa tuwing may gagawin ka na ikakasama ng loob ko, na pakiramdam ko hindi mo pinapahalagahan ang nararamdaman ko, alam ko tama ako, alam ko nasa lugar ako... pero never kang nag-apologize, never kang nag-offer ng explanation kung baket mo nagawa ang bagay na 'yon... tama nga ba na sumama ang loob ko? lagi nga bang sumasama ang loob ko ng walang dahilan?

siguro nga maling mali ako saio... siguro nga mas may tama pa para saio...

kung sakaling gusto mo na siang hanapin, wag kang mag-alala, hindi kita pipigilan... papakawalan kita... sabihin mo lang...

Monday, April 03, 2006

beerday

bertdey ni anjiedy ngayon.
happy beerday!
woohoo!
sana'y malasing mo kami!

Tuesday, February 28, 2006

sa aking pag-iisip

hindi na kaiba sa inyo kung anong nangyayari sa paligid, stampede sa ultra, landslide sa leyte, at ngayon naman ang walang kamatayang rally... tungkol saan? sa pagpapatalsik kay gloria...

naaalala ko lang, taong 2001, edsa dos, nagkayayaan, sama sa rally... sige go! sawa't pagod na ren kase sa pamamalakad ng gobyerno sa pamumuno ni erap... makikita mo, na ang mga kasali dito, mga may pinag aralan, estudyante, yuppies... mga taong ginustong pumunta sa shrine, at hindi dahil binayaran, o pinilit lang... tagumpay! napatalsik si erap! sinong pumalit? si GMA, ok na ren, wala ka naman ng ibang choice eh, siya ang bise nun, so ayon sa batas, sia ang magiging presidente, pag napaalis si erap...

taong 2006, february 24, rally na naman... sa shrine, nagkakagulo, gugunitain daw nila ang edsa 1, at kahet kinansela ang permiso para sa kaganapang ito, tuloy pa ren daw ang selebrasyon para sa ika-20 years nito... pero, ano naman kaya ang isinisigaw? "gloria resign! pababain si gloria" sus! paggunita ba un???

february 26, sa the fort naman ang bagong venue ng mga raliyista... sugod ang masa dahil sa kaguluhan ng mga sundalo at marines... tanong ng isang reporter, "bakit ho kayong nagpupumilit pumasok?", "gusto namin na nasa loob kami", "eh bakit nga ho?", "moral support!"

anaknang... moral support??? baket, kung matuloy ang kaguluhan nila, maihaharang mo ba yang 'moral support' na yan para di sila tamaan ng bala?

si cory, nagpipilit pumasok, hindi pinayagan... tinanong kung bakit ba gusto niang makapasok ng fort bonifacio... "magdadasal kami.."

ahhh... baka pakiramdam nia hindi sia maririnig ng Diyos kung sa labas sia ng fort magdadasal...

si randy david, hinuli, warrantless arrest...

si teofisto guingona, nag speech pa...

ang mga angkan ni erap, todo trabaho sa hindi pagbabalik kay erap sa tanay...

kung sakali ngang mapatalsik si GMA sa pwesto, sinong ipapalit? si Noli? o si FPJ?

sa tingin ba nila ay nakakabuti sila sa paggawa ng kaguluhang ganito? ang halaga ng piso, napataas ni GMA, pero ngayon, bumababa na naman...

napeperwisyo ang mga nagtatrabaho, mga estudyante at mga negosyo...

bakit nde sa pagtulong sa mga naaksidente ang paggugulan nila ng panahon, pera at pagod...

tumulong sila sa rescue operation sa leyte... ibigay na lang nila sa pamilya ng namatay sa stampede yang mga ginagastos mila sa rally rally na yan!

hayyy.. ang gulo... nde ko na maintindihan ang mga pilipino... sige, mag iisip muna akong muli...

Wednesday, January 25, 2006

ranting

naiinis ako. oo, nakakainis!

maliit na bagay lang naman pero nakakainis pa rin. ni hindi nga ako sigurado kung kanino ba ako maiinis... sa'yo ba o sa sarili ko... dahil nagdesisyon ako ng isang bagay na parang gusto ko nang bawiin ngayon.

simula ng magka-cellphone ako, that was five years ago... iisang number lang ang ginamit ko. masyado kase akong senti. ayokong magpalit ng number. kung hindi lang din masisira ang sim, hinding-hindi talaga ako magpapalit ng number.

nauso ang suncellular. unlimited sun to sun text and call. ayos, di ba? napagkatuwaan namin ni bes na bumili ng sim. sya, ok lang kase nagagamit naman nya pagtawag sa kapatid nya sa davao. ako, wala lang... naengganyo nya lang ako bumili. sabi nya, para daw usap kami ng walang humpay sa sun. eh dahil malakas sya sakin, bumili na rin ako. pero hindi ko naman din nagagamit. una, aksaya sa load. eh si bes lang naman ang paggagamitan ko nun. baket pa, eh may smart naman at landline. at lalong baket pa... eh magkasama naman kami sa work. sus!

pero nung dumating ka, nagbago ang paningin ko sa suncel. biglang may silbi na sya para sakin. nagamit ko rin ang sim na halos hindi pa ubos yung free load dahil nga hindi ko naman sya talaga nagagamit simula nung binili ko sya. tapos nung naubos ang free load, hindi ko na na-loadan ulit. bakit pa eh may smart naman ako. at tsaka unlimited naman yung load mo... pede mo ko tawagan sa sun kahit na wala akong load.

pero hindi ka na-satisfy. dahil mas madalas pa ring smart ang gamit ko, maaksayado sa load para sayo. kaya isang gabi... bigla mo na lang sinabi na... "alam ko na kung pano ako makakatipid sayo. isaksak mo yung sun sim mo".

at dahil malakas ka sakin, sinunod ko naman ang sinabi mo. yun pala, pinadalhan mo ng load ang suncel ko. syempre, nahiya naman akong hindi gamitin yun. dahil alam ko, kaya mo ginawa yun eh para mas madali mo ko makontak, at para na rin masulit yung unlimited chenes. mga dalawa or tatlong beses mo rin ata ginawa yun. hindi ko na matandaan.

pero sa kalaunan, sablay pa rin. dahil mas madalas pa rin na smart ang gamit. nagagalit kase sakin yung nanay ko pag tinatawagan ako sa smart tapos hindi ako makontak. at dahil madalas na exclusive lang sa suncel ang nilo-load mo, hindi mo ako ma-text sa smart. hindi ko alam kung accurate ba itong pinagsasasabi ko. nire-recall ko na lang pero hindi ko na sigurado kung ganto nga talaga ang sitwasyon dati.

hanggang sa napagdesisyunan kong bumili ng extrang phone. nung una, binalak kong bumili ng second hand phone... kahit yung lumang model para lang open all the time yung suncel. tapos, naisip kong magpa-line. habol ko kase yung libreng unit. maswerte naman dahil na-approve ang line application ko. ang husay!

ayan... pwede na kitang i-text at tawagan ng walang humpay! sablay minsan dahil walang signal. pero ayos lang. at least, nagawan ko ng paraan na maging mas madali mo akong ma-access, and at the same time, hindi na nagagalit ang nanay ko.

pagkatapos ng ilang buwan, heto ka na. iba na naman ang gamit mong number. biglang globe na ang ginagamit mo. naiintindihan ko naman yung rason. halos lahat ng classmates mo, globe ang gamit. hindi nga naman reliable ang suncel to globe and vise versa na texts. sige, sabi mo eh.

nung una-papalit-palit ka pa ng sim. pero lately, hindi mo na totally ginagamit ang suncel. napapansin kong nawawalan na ng silbi ang extra kong phone. nagiging pampadami na lang sya ng dala sa araw-araw. eh ano na gagawin ko dito?

nag-uumpisa na akong mainis. araw-araw kong nakikita ang teleponong walang silbi. oo nga, nagagamit ko nga sya paminsan minsan pag nababato ako at walang magawa. pero hindi yun ang purpose kaya ako nag-suncel. hindi ko na nakikita yun ngayon.

hindi na ako nakatiis. sinabi ko sayong pinag iisipan ko nang ipaputol ang linya ng suncel ko. nagtanong ka kung baket. nagtanong pa! ako naman, sa kagustuhan kong ipaintindi sayo, ipinaliwanag ko. pagkatapos ng explanasyon, wala kang nasabi kundi nahihiya ka dahil ang laki ng nagawa ko para sayo. pagkatapos, tinanong kita ulit kung sa palagay mo ba, ipapaputol ko na. ang sagot mo... ikaw. sabi ko nga... salamat.

sabi mo, hindi mo talaga alam. hindi mo alam kung pano mag-desisyon sa mga bagay na ganito. masyado nga sigurong malaking desisyon ang kailangan dito. isa lang naman ang gusto kong marinig eh. isa lang ang iniisip kong sana man lang, sabihin mo.... "wag mong ipa-cut ang suncel mo kase temporary lang naman ang paggamit ko ng globe. may tinatapos lang kaming project ng mga group mates ko kaya kailangan isakripisyo muna ang suncel. mas priority ko naman yung suncel kaya lang, kailangan lang talaga. gagamitin ko din yun ulit pagkatapos"... or something to that effect.

pero taena... ang sabi mo lang, nahihiya ka. nahihiya ka tapos wala na. ang galing, di ba? inexplain ko pa sayo kung ano yung point ko eh wala rin naman pala. tinanong ko pa kung ano sa tingin mo ang dapat kong gawin pero wala naman akong nakuhang sagot. ah, oo nga pala... may sagot nga pala.. hindi mo alam. at parang sa salita mo, wala ka na talagang balak na palitan ang globe.

nakakainis lang. nakakainis talaga. gaya nga ng parati kong sinasabi, it's just a matter of priority. ako, priority kita kaya ginawan ko ng paraan para magkaroon ng extrang phone para at least naman eh maramdaman mo yung presence ko anytime na kelangan mo sya maramdaman. para na rin sakin, para at least pwede kong maramdaman ang presence mo anytime na kailangan ko sya maramdaman. pero lately, wala na yun. kase nga, hindi ako ang priority mo these days. parang yung ginawa ko, nawalan ng saysay. nakakainis lang isipin na parang hindi mo naisip yung ginawa ko para sayo. na gumawa ako ng isang desisyon na nababale-wala na ngayon. kunsabagay, napakinabangan ko rin naman yung suncel. ipapakita ko sayo minsan yung mga statements ko para makita mo kung sino lang ang tinatawagan ko gamit ang teleponong yun. baka sakaling mas ma-appreciate mo. baka sakaling maisip mo na hindi ka nga pala dapat nagpalit ng sim permanently.

sa dinami-dami ng sinabi ko, naiisip ko pa rin naman kahit papano ang statement na 'to.. BAKET, SINABI BA N'YA SAYO NA MAG-SUNCEL KA? BAKET PARANG ISINUSUMBAT MO SA KANYA ANG ISANG BAGAY NA IKAW NAMAN ANG MAY GUSTO??

sabi ko nga.

naiinis ako. pero lilipas din. ganun lang naman yun. ganun naman talaga lagi.

Tuesday, January 24, 2006

kung nasa isang relasyon ka, ngunit unti unti kang nakakaramdam ng pagmamahal para sa iba, nararapat bang lumayo ka at alagaan ang inyong pagmamahalan? o makipaghiwalay, at subuking alamin kung mas mapapabuti ka sa iyong bagong pagmamahal?

kung iiwan ka ng minamahal, para sa iba, magagalit ka ba? o hahayaan mo sia? at kugn sakaling bumalik sia, tatanggapin mo ba kahet na nasaktan ka ng sobra?

kung sakaling nabuntis ka dahil sa "one night stand" itutuloy mo ba? o gagawa ka ng paraan para mawala ang bata?
at kung itutuloy mo ang pagbubuntis, sasabihin mo ba ang totoo sa kasintahan mo? o hahayaan mo siang isip na sa kanya ang dinadala mo?



[wala lang... naisip ko lang]

Wednesday, December 07, 2005

the power of three

dahil pinadalhan ako ni ate ng magagandang kanta kahapon, naalala ko tuloy ang aming nakaraan sa isang kumpanyang aming pinagtrabahuhan.
let me take you back in time when the power of three was founded (tibay nyan!).

ang nakaraan...

syempre ang mawewento ko lang yung nung andun na ko. dumating ako dun sa kumpanya na yon may 31, 2000. si ate ayon sa pagsisiyasat eh nauna lang sakin ng mga 15 days, kaya dinatnan ko na sya don. si bunso, dumating ng july. kaya ayan may ate, diche at bunso pero hindi yan nakuha sa pagkakasunod-sunod ng dating namin sa kumpanya (although pede rin yun), sa age yan, walang daya. isama din natin si eric kahit extra lang sya sa power of three. matandang hukluban (biro lang pare baka nagbabasa ka nito) na sya sa kumpanya ng dumating si ate. naging mabuting kaibigan din namin sya, pero lalaki sya kaya hindi kasali sa charmed. kumbaga eh sya ang asawa ni piper (which is si ate, uyyy).

mabait si ate. tanda ko pa unang araw ko sa kumpanya sya ang kasama kong nag lunch kasi bago lang ako, di pa ko sanay. sinamahan nya ko na kumain sa canteen kahit ang totoo ay may baon sya (o di ba ang bait). at hindi lang yun, nagmukhang parang tanga pa si ate dahil hindi ko naman sya kinakausap, e pano kausap ko sa cp ang future ko. pero hindi nagreklamo si ate kahit halatang bwisit sya (sori ate).

si ganda nung dumating sya close na kami ni ate. unang impression, maarte! at totoo nga, hehe. kapag break time nasa telepono na yan. hindi kami pinapansin masyado, may sarili syang mundo. ang totoo gusto nyang makisama samin pero hirap syang lumapit kasi close na nga kami ni ate. sya ang nagbahagi samin ng mga kalandian kasi marami sya non, haha! at utang na loob namin yun sa kanya(thank you).

ako, leave kong blank. i'll let my sisters fill in the space. sila ang may comment (sana lang maganda ang comment). isa lang masasabi ko, dumating ako dun na very naive pero lumabas ako na hindi na masyado (hahaha!).

ang kumpanya na yon ang aming pangalawang bahay, pero mas masahol pa sa bahay kasi halos dun na kami nakatira. ang tunay na bahay namin eh tulugan lang. minsan hindi na rin inuuwian. araw-araw kasi overtime kami. hindi na kami nasisinagan ng araw ng mga panahon na yon. labas ng bahay ng wala pang araw at uwi ng bahay ng madaling araw. at kasama ang sabado dyan minsan pati linggo kahit ang office days namin ay monday to friday lang. sangkatutak na ot kaya naman mayaman sana kami kung di sobrang laki ng tax deduction. pero dun sa sangkatutak na ot na yun naging matibay ang aming pagsasama. wag lang nandun ang biatch na si liza, maganda ang takbo ng buhay namin (pero wag na nating intindihin si liza kasi kontrabida yun eh. KSP! inagaw ko kasi sa kanya si ate kaya galit na galit sya sakin. nawalan sya ng magiging kampon). kahit marami kaming trabaho masaya kami, basta may tugtog ang winamp kuntento na. sa gabi ang mas masaya. kasi laging kami lang ang natitira sa opisina kaya todo ang music at medyo relax kami kahit nagtatrabaho pa rin. kapag audit season halos wala ng uwian, may reserved na nga kaming damit sa mga drawers namin just in case maisipan naming mag overnight, which is madalas mangyari. nung bir reporting nga apat na araw kaming walang uwian at walang tulugan so maiimagine nyo na kung anong paghihitsura namin nung araw na sa wakas eh nakalabas kami ng opisina para umuwi ng bahay. ganunpaman, masaya pa rin kami.

so wala kaming choice talaga kundi mahalin ang isa't isa (kahit ayaw namin) kasi pinagpala kaming nakatakdang laging magkasama sa saya at lungkot, hirap at ginhawa. may tampuhan din kami, normal sa magkakaibigan. pero never kaming nagkaroon ng malaking fight. tampo tampo chienes chienes lang. kasi naman kahit ilang buwan pa lang kaming magkakasama feeling namin eh ilang taon na. nakilala na namin ang isa't isa. alam na namin kapag may biglang tumahimik na isa. magkakarugtong na raw bituka namin, sabi nila.

iisipin nyo laki ng sakripisyo namin sa opisina dapat bigyan kami ng award. pero walang award na nangyari, dahil contractual lang sila ate at ganda di naglaon eh tinanggal din sila. walang konsiderasyon. kung tutuusin pwede naman nilang i regular sila ate dahil sa ganda ng performance at ok makisama sa mga katrabaho pwera nga lang kay biatch. pero hindi nila ginawa, tapos naghire sila ng isang kundanggang sobra sa tamad at yun ang niregular. HMP! pero the company was never the same without the two. at dahil umalis si ate at bunso, parang nalantang gulay din si diche. yun ang oras na humina ang powers namin. pero di natapos dun ang friendship syempre. sa tibay ng bonding namin, di basta basta magigiba. pag may pagkakataon nagkikita kita pa rin kami at parang dati pa rin. kahit hindi na kami magkakasama araw-araw alam pa rin namin ang nangyayari sa buhay buhay ng bawat isa. lumalabas kami,umiinom (paborito namin ang whistle's top crossing kaso sarado na daw yun ngayon), nagyoyosi, wento wento at paminsan minsan eh sumasayaw. ang totoo nyan si bunso lang ang magaling magsayaw kami ni ate eh sa upuan lang sumasayaw kasi wala naman kami talagang talento dyan, nagkukunwari lang kami, nagpapanggap.

ilang taon na rin yun, nagsimula kami ng 2000 mag 2006 na pero nandito pa rin kami. may kanya kanya na kaming buhay malayo sa isa't isa pero matibay pa rin ang aming pagsasama. 2 sa amin ay may asawa na, napalayo na ng lugar ang isa pero nagmamahalan pa rin kami hanggang ngayon. hindi naging applicable samin ang three is a crowd. dumami at bumigat ang mga problema namin pero nandito pa rin kami, nagtutulungan, nagdadamayan, nagwewentuhan, nagtatawanan, nagpapatawaran. yan kaming magkakapatid. tubig lang pero malapot pa sa dugo.




(anjiedy's version)

dumating ako, july 24, 2000, tama si diche, close na close na sila ni ate nun.. (that time, close pa ren nila si liza, uyyy)... meaning, ate na talaga ang tawag nia kay 'ate'... ako, after office hours at nde OT (w/c is bihira lang) iba ang kasama ko... hirap ako nun makisali sa kanila, as what diche says, maarte nga raw ako (sa tingin lang nila noh) at iba ang hilig as compare sa kanila... maggogrocery yan ng foods for office, 'joint account' ika nga, at disregarded ang beauty ko...

ni-attempt ko maging close.. tin-ry ko ren tawagin si 'ate' ng ate, pero nangingilabot pa sia nun (inamin mo saken un, wag mag deny), sabi nia, si diche lang ang may karapatan tumawag sa kania ng ate...

pero come november...

ni-invite kame ni diche na pumunta sa laguna (nde ko na maalala kung anong okasyon)... dun, dun na kame naging super close... medyo pumayag na si ate na tawagin ko ng ate, at natawag ko na ren si diche ng diche... pag-alis namen ng laguna, nagkaroon kame ng silent agreement na 'sisters na kame forever...

(month of) march the following year... nagkaroon kame ng outing, accounting ng kumpanyang pinagtrabahuhan, nde na kame dun nagwowork ni ate, pero invited kame kase kasama daw kame sa madugong audit period.. so, sama!

aliw.. kase there are times, na kahet nde namen pinag-uusapan, pare-pareho ang naiisip namen.. tulad na lang ng damit na pinili namen isuot after maligo, (iba't ibang banyo po, hmm, wag malisyoso), all black, shadowlane: sleeveless shirt and pants, black; dychee: t-shirt and pants, black; anjiedy: t-shirt and shorts, black...

nang mawala kame ni ate sa kumpanyang un, kala ko end na ng friendship (totoo, nde ko lang binaggit senyo, pero ganun ang feeling ko)... sabi ko, ok lang, makakahanap ren siguro ako ng friends na magiging ganto ang 'closeness'.. pero bigo, bigo ang kagandahan ko... wala na pala talaga silang katulad... wala na kong mahahanap na kasing tigas ni diche, at kasing taray ni ate...

may mga bagay ren kameng pagkakaiba at di pinagkakasunduan, baka naman sabihin nio masyado kameng perpekto sa isa't isa, pero inuunawa namen kung ano man ang punto ng bawa't isa.. minsan nga napaiyak ako ni ate, nde ko na nga lang maalala ang dahilan, at si diche naman, sobrang ginalit ako na kulang na lang eh kutusan ko sia... minsan nga gusto kong pagbuhulin ang dalawang yan, naaawa nga lang ako sa kanila kase matatangkad sila saken eh.. hahahah

nawala ako pansamantala, kase nagkaroon ng unforeseen events, nag shutdown ang cell, at, basta... pero mga ilang months lang naman.. pero si diche, nung mawala, walang makapagsabi samen kung nasan.. worried na asar ang pakiramdam ko nun.. kase alang pasabi kung nasan.. parang, nde ba kami importante para nde man lang pasabihan na maglalaho lang ako saglit.. grr..

anyways, si ate ang nagsabi saken na nakakausap na nia si diche, thru YM, that is.. at inencourage nila ko na mag YM ren para magkausap usap... that time, illegal ang any form of chatting sa work ko.. ngunit, dahil sa lubhang pasaway, nakahanap ako ng paraan.. hehehe.. kaya eto.. sabi nga, so much catching up to do
...

hayy.. those were the days na lagi kameng magkakasama... pero up until now, sisters pa ren kame.. at walang makakabuwag nun... not our work, environment, other people.. not even distance...

ika nga ni diche... tubig lang.. pero malapot pa sa dugo...

sa ngayon, we make it a point na kahet papano, sa isang buong araw ay makapag hi-hello man lang kame sa isa't isa.. though.. nde kame makakatiis na yan lang ang sasabihin namen.. heheh.. si diche, malayo, pero updated na.. si ate naman, nagkikita kame kahet once a month lang at napagkukwentuhan namen lahat ng bagay bagay.. ultimo ang mabahong tut tut nila.. hahaha

siguro kahet tangkain kong burahin sila sa buhay ko, nde na mangyayari un.. kase nakatatak na sila sa puso ko.. at kung ano man ang nasa puso ko, parte ng bumubuhay sa pagkatao ko..

P.S. may isa pang magandang nangyari sa buhay ko dahel sa kumpanyang un... hihihi


shadowlane's version

pag sinabing diche, ang una kong naaalala... bomb threat. interview n'ya nun sa company'ng pinapasukan ko for just about a week or so nung biglang kumalat ang balitang may bomba daw sa building. isip ko nun... wow, ang cool naman. yung mga eksenang napapanood ko lang sa tv eh nangyayari sa totoong buhay. how cool is that? nun ko s'ya unang nakita. the following week, magkasama na kami sa work.

pag sinabing ganda, s'ya ang bunso sa tatlong magkakapatid. ganda ang tawag namin sa kanya hindi dahil maganda sya. well, pwede na rin. pero sya ang nag-declare na isa syang "ganda" kaya tanggapin na lang natin. kunwari na lang, nde tayo napipilitan.

ako ang ate. sige na, tanggap ko na ng maluwag sa dibdib ko na matanda nga ako. hindi ko na matandaan kung pa'no nagsimulang tawagin akong ate ni diche. basta na lang. eventually, ate na rin ang tawag sakin ni ganda. pero ang definitely'ng aaalala ko kung pano nagsimula eh ang pagtawag namin ng diche kay diche. dahil yun kay utoy, ang bunsong kapatid ni diche. ininvite kami dati ni diche sa bahay nila sa laguna. walang okasyon. basta lang. o kung may okasyon man, nde ko na tanda. sabi ni utoy, "diche, diche!" kaya simula nun, diche na namin sya.

si ate, si diche, at si ganda. ang charmed ones. ang tinaguriang charlie's angels ng company dahil sa simula't simula pa lang, nde na kami mapaghiwalay. may mga dating nadatnan na sa company, may mga bagong dumating. pero matibay na ang samahan namin kahit dati pa.
marami na kaming pinagsamahan. marami na ring luha at halakhak na pinagsaluhan. isama pa ang maraming maraming boteng itinumba sa paborito naming tambayan. mga chismisang walang humpay. mga bashing sa mga taong hindi namin gusto. mga kalandian o sa mas bagong salita, kakikayan. mga sikretong itinago at ipinagkatiwala sa isa't isa. alam ko, at alam naming lahat na si diche at si ate ay may mga sikretong itinatago kay ganda. si ganda at si ate ay may mga sikretong itinatago kay diche. si diche at si ganda ay may itinatagong sikreto kay ate. ganun talaga. mga bagay na mananatiling lihim. pero depende sa usapan yan. magkano ba? hehehe.

aaminin ko, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na five years na kaming magkakasama. ako kase ang taong piling-pili lang ang mga sinasamahan. totoo, marami akong kakilala. pero konti lang ang kaibigan ko talaga. iba naman kase yung kakilala sa kaibigan. si diche, unang kita ko pa lang, nakagaanan ko na ng loob. para ngang first day pa lang namin eh close na kami agad. si ganda, medyo matagal bago ko naging ka-close. siguro dahil nga close na kami ni diche bago pa sya dumating. o baka rin dahil may mundo syang hindi kami kasali ni diche, in the same way na hindi rin sya kasali sa mundo namin ni diche. pero eventually, nagkasundu-sundo rin. although marami kaming differences sa outlook sa mga bagay-bagay, nandun yung respeto namin sa isa't -isa. para sa amin, lahat ng side, tama. lahat, pwedeng i-justify. walang maling opinion.

nag-stay ako sa company for 10 months. si ganda, umalis rin after ilang months. si diche lang ang matibay ang sikmurang nakatagal sa company. wahahahaha! siguro, hindi lang talaga para sa'min yung trabaho sa company na yun. pero ayos lang. may nakuha naman kaming isang bagay na hindi madaling makuha kung saan-saan. yun ang power of three.

nagkahiwa-hiwalay na nga kami pagkatapos. pero we took time para magkita once in a while, lumalabas pa rin kami kahit na sa iba't ibang company na kami nagtatrabaho. ganun na nga siguro kami kalapit sa isa't isa kaya parang hindi namin kayang magkita. habang tumatagal, lalong tumitibay yung friendship namin. nakakatuwa. sino nga ba ang mag-aakalang tatagal kami ng ganito?

pero hindi nga siguro maiiwasan, dahil tatlo kami, may mga pagkakataon pa ring naiiwan ang isa. mas close pa rin kami ni diche kahit nandun si ganda. mas madalas kaming magkasama. si diche, parang member na ng family ko to the point na pati aso namin, kilala sya. pati mga bata samin, kilala na rin sya. pati nga si ipe... asawa daw sya ni ipe. haha! s'ya lang ang kaibigan kong napatulog ko sa bahay bukod kay bes. dun ako sa apartment nya tumutuloy pag sobrang bwisit ako at ayoko'ng umuwi samin. sya rin ang nakasaksi sa pagngawa ko nung mga panahong akala ko, pinagdamutan na 'ko ng tadhana. may mga bagay tungkol sa buhay ko na sya lang ang nakakaalam.

nung nawala ako sa company, mas naging close sila dahil silang dalawa ang natira. at dahil wala na ko, wala rin akong masabi masyado tungkol dyan. hehe.

tapos, nawala si diche. lumipad papunta'ng ibang planeta nang hindi man lang nagpapaalam sa'min ni ganda. hindi man namin aminin ni ganda, malaking kawalan yun para sa amin. aminin man o hindi, aaminin pa rin na nasaktan kami sa ginawa ni diche. pero sabi nga, ganun talaga. may mga bagay na hindi natin hawak. at may mga bagay din na kahit pilitin mong hawakan, mawawala at mawawala pa rin.

nung nawala si diche, naging super close naman kami ni ganda. mas nakilala namin ang isa't isa. mas lumalim pa yung dati na naming malalim na friendship. mas marami na syang alam ngayon kesa kay diche. syempre, wala na si diche eh.. may choice pa ba ako? bwahahaha! biro lang, ganda. alam mo namang mahal kita, di ba? mas mahal ko nga lang si diche. hahahahahaha. kidding aside, isa rin sa positive side ng pagkawala ni diche yung naging mas close kami ni ganda. kung hindi siguro nawala si diche, hindi mangyayari yun. hindi sana kami nagkaroon ng chance na pagchismisan ang mga bagay na nakakatawa tungkol kay diche. yari tayo, ganda.

tapos, gaya ng biglang pagkawala ni diche, bigla rin syang bumalik. yun nga lang, nasa ibang planeta pa rin sya. pero hindi na importante kung nasaan man syang planeta. ang importante, buo na ulit kaming tatlo. oo nga, nabubuhay kami ngayon sa pagchi-chismisan thru internet pero dahil nga malalim na yung pinagsamahan namin, wala na kaming pakialam sa distance. alam ko, one day soon, magkakasama-sama rin ulit kami. hahanap ng bagong tatambayan at pagtutumbahan ng bote. wag lang pagsasabayin ang beer at mani dahil ayon ke diche eh nakakasheng daw yun at nagiging sanhi ng pagtatawag ng uwak. saksi dyan ang poste somewhere in edsa. magiging masaya kami wag lang aatakihin ng rayuma si ganda. at walang magiging problema basta wag lang susumpungin ng talangka sa ulo si ate.

si diche, the sister that i never had. si ganda, the other sister that i never had. kahit siguro san pa kami mapunta at kahit ano pa'ng mangyari sa mga buhay namin, maganda man o panget, masaya man o malungkot, panigurado, meron kaming matatakbuhan. meron kaming mapupuntahan. at meron kaming masasayang alaalang parating babalikan.

[takot ako sa dugo kaya hindi ko na sasabihin ang tag line. basta, yun na yun]


habol : minsan sa buhay namin, naging pambansang awit namin ang "kailangan ko'y ikaw" ni regine velasquez. yan ang naging inspiration ni dychee sa paggawa ng article na 'to dahil pinadalhan ko sya ng mga mp3's ni regine. wehehehe.









Wednesday, November 09, 2005

savior

when i was sad...
you talked to me,
and never left me
until i'm happy.
when i was weak...
you came to me,
and gave me the strength
that i need.
when i was down...
you helped me up
and let me stand
on my feet.
when i was lost...
you guided me,
and helped me
find my way.
now everything's changed...

i'm now the lady
you've made me to be,
why the sudden change,
i can see.

i now felt the burden
creeping, striking,

deeper into my veins.

again, i'm sad,
weak, down and lost.
for i have seen
my love with a lover.

a hero and a villain in one
that's what you are to me.
you saved me from the pain,
from the pain you gave to me.


[again-repost-]

Wednesday, October 26, 2005

open doors

the sun is biding goodbye; darkness embraces a lifeless form, sending chills to my veins. and then, it was opened...

how is this possible? not even the brightest chandelier can fight the darkness that fills every side and corner of this room. and not even a small glimpse of light from an old dirty lamp can give hope to its shattered glasses and cobwebs.

there are obstacles to go through, yet it becomes an easy path inspite of the room's blinding darkness. going through it is as simple as opening your eyes every morning, and closing them at night. but how could all these be?

you made everything easy for me. just when i thought that i would always be my parent's burden, that they could never love me the way other parent's love their children. you make me feel good about myself; you give me enough confidence to do things that are expected of me.

i never had the courage to fight for what is rightfully mine, until you told me that you trust me with your life. it was hard for me to believe that. i could never be on the higher level, but then you made me see how much faith and respect you have in my being.

i felt that one life, suddenly, became dependent on me. and i cannot decide, of whether to go on or just be with myself. however, you made me realize how much love you can give. and how you would never leave. we would raise children together, grow old in each other's loving arms...so you told me that.

and now, you became my strength in this world so pure...of make believe.



[this was posted before in my 'deleted' blog]

Friday, October 07, 2005

how could you...?

she was awaken by a tender touch and loving kisses... heard him say, ' come on, wake up...' ' but it's still early, let me go back to sleep...' she pleaded, but he just won't let her.. she felt being carried up, out of the room... since dreamland is still a heaven feeling for her, she let this happen with her eyes' closed... they passed by the bathroom, through the kitchen... when he finally sets her down, she opened her eyes... there, in front of her, atop the dining table, were fried eggs, hotdogs/sausages, bread and a steaming hot coffee... he prepared breakfast for her!

'i know it's not much, but...' he started to say, but she just stared at him lovingly, lost for words...

in her mind, how could this man make me fall for him over and over again... unintentionally...

simple things really do matter a lot...



[disclaimer: read somewhere... go figure]

Wednesday, September 21, 2005

'equal'

i got this from a friend...


creation of a woman from the rib of man:
she was not made from his head to top him;
nor out of his feet to be trampled upon by him;
but out of his side to be equal with him,
under his arm to be protected,
and near his heart to be loved!


isn't it lovely?

Friday, September 09, 2005

pasko na!!!

september na naman. nakasanayan ko ng kapag dumarating ang september 1 eh nagpapatugtog na ko ng christmas songs dito sa pc ko sa office. every morning yan, from september 1 hanggang sa araw ng company christmas party. sabi nung ibang officemates, ang aga ko naman daw magpatugtog ng christmas songs. sabi ko naman, tama lang, para maalala ng mga boss na... uy pasko na naman! bonus season!! wehehehe.

parang ngayon... sobrang busy sa papers. at the same time, nagpapatugtog na naman ako ng christmas songs. so far, merong 57 christmas songs sa mp3 files ko. pinapatugtog ko silang lahat, pero naka-shuffle. para masaya, hindi alam kung anong susunod na song.

tapos....

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all
wu-hu-hu

napangiti ako.... na nauwi sa malakas na pagtawa. classic yan. parating nangyayari na kapag naririnig ko ang christmas song na yan ng jackson five eh bigla na lang akong tatawa ng malakas... for no reason at all.

pero no reason at all nga ba? hehehehe... balik tayo sa nakaraan.... some four or five years ago...

busy kami nun sa work. sa fil-estate pa ko nun nagtratrabaho. tahimik ng office. walang imikan. hindi ko sure, pero nagkakabadtripan na ata dahil sa sobrang dami ng trabaho at hapit para sa deadline. walang nagsasalita. kanya-kanyang concentrate sa ginagawa. pero may radio naman. sobra naman na yun kung wala man lang ingay na nanggagaling kahit sa radio. yun lang ang libangan namin nun, eh. radyo. wala namang internet sa office so walang ibang diversion. sa pagkakatanda ko eh lima kami sa area namin nun... ako... si janice... si elma.... si eric... si len... lima, diba? hehehe.

tapos...

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all...

ang mga tahimik at sobrang nagko-concentrate daw sa trabaho na mga tao eh biglang sabay-sabay kumanta ng...

wu-hu-hu

tapos sabay-sabay din nagtawanan. pinagtawanan ang mga sarili dahil sa nangyari. isang linya lang pala ng christmas song ang kailangan para mabasag ang sobrang katahimikan namin noon.
basta nakakatawa sya. antahimik tas biglang nag wu-hu-hu lahat. bwahahahahhaha...


sigurado ako... kagaya ko, kapag naririnig nila ang kantang 'to eh natatawa rin sila sabay balik-tanaw sa mga masasaya at makukulit na memories namin dati. isama pa ang mga drama at topak moments.

wala lang... nakakamiss!

Tuesday, September 06, 2005

tragic... it is!

on my way to the office, friday morning, i have to walk from the bus stop to the jeepney [philippine transport] terminal... it is a long walk, i tell you, i have to cross 3 pedestrian lanes, especially at 7 in the morning, when i usually go to work at 10 am...

before crossing the 2nd pedestrian lane, i checked the right side to see if there's any car coming our way [this is the kind of pedestrian lane where no traffic lights are sited] hmm.. free to cross the street...

on my 2nd step [probably 4th, can't really remember it now], i just felt a hand grab my left upper arm and pull me back to the side of the street... then i heard a deafening sound.. 'screeeechh' [or so that's how it sounded in my head]... DARN IT!!! there, where the car stopped, was where i was standing seconds ago... fuck! i almost got hit by a car!!!

time seemed to have stopped at that moment... i became numb, frozen... it may have been minutes when i've realized what have happened... i even have to run to caught up to the man, who grabbed me by the arm, and thank him...

looking back... if it wasn't for that good samaritan who 'saved' my life, this beauty before you [imagine me telling this story face-to-face] would be lost forever.. ohhh, such tragedy!

Wednesday, August 24, 2005

birthday boy is...

mga lumang saloobin na nde ko maalala kung baket nde na-post.. marahil kse deleted na nun ang una kong blog.. hehehe

anjiedy03: bday nga pala ng kambal
unknown: yep
anjiedy03: kiss mo ko sa kambal
anjiedy03: hihi
anjiedy03: :"> [blushing]
unknown: hehehe
unknown: sabay nag blush bwahahahhaha
anjiedy03: hahahah
anjiedy03: loko e noh
unknown: parang may malisya yun ah
unknown: nag blush eh
anjiedy03: hahaha
unknown: hehehehe
anjiedy03: wala noh :">
unknown: =)) [lmao]
anjiedy03: hihihi
unknown: im going home
anjiedy03: ingat po
anjiedy03: iinom at ikain mo na lang ako
anjiedy03: chaka ung ano ha
anjiedy03: ung .. ahmm.. kiss.. :">
anjiedy03: heheh
unknown: nyahahhaha loko
anjiedy03: hihihi
anjiedy03: if ever, ok lang ba saio maging sis in-law mo ko?
unknown: oo naman
unknown: hahahhaa
anjiedy03: hahahah
unknown: sabi na nga ba, may malisya eh
unknown: bwahahhahahah
anjiedy03: :D [big grin]
anjiedy03: loko
anjiedy03: asar lang
anjiedy03: kulet kulet baga
unknown: sino ba, si goge ba? bwahhahaha
anjiedy03: OO
anjiedy03: hahaha
unknown: nyahhahhahah taena
anjiedy03: loko
unknown: hindi ako makatawa ng malakas
unknown: ang laking OO nun ah
anjiedy03: ako nga, pigil e
unknown: o sya... ingat later
anjiedy03: kaio din po
unknown: sabi nga ni rakel eh.. kiss kiss
anjiedy03: :-*
unknown: bwahahhaha
anjiedy03: para sa kambal
anjiedy03: heheh
unknown: o sya
unknown: babayuki
anjiedy03: babay
unknown: :-*
anjiedy03: :-*
anjiedy03: for u
anjiedy03: :-*
anjiedy03: for dambo
unknown: hehehehehehehehhehe
anjiedy03: :-*:-*:-*
anjiedy03: for...
anjiedy03: hahahaha

nde naman kaguapuhan ang kapatid ng friend na 'to [pasintabi po] pero ewan ko ba, something about him parang hinahatak na lang ako papunta sa kania... shoot! he is hot, well, that's how i see him... hell! i wouldn't pass up the oppurtunity if it comes knocking at my door... oh damn! here i go again...

[ang mga karakter sa kwentong ito ay pinalitan para sa proteksyon ng karamihan, namely, me...]

debit/credit

what good is there in having a husband????????

Sunday, August 21, 2005

dementor attack!!!

i held her close to me
coz' i know she breaks so easily
and then i told her
but i knew no matter how i tried to console her
she'll just do the best she could
but there are times the best
is no damn good
and no matter how i tried
to be kind
there's always still
a part of you
you'll leave behind
coz' when it falls apart
there's no easy way to break
somebody's heart.

i lied and told her she'll be fine
though we both knew it was just a lie
i had to do it
coz i'd say anything
to help me get through it
then she reached out for my hand
and a simple touch was more than i could stand
and i had to turn away
coz' i knew
all the hurt that she was feelin'
i will feel it too
coz' when it falls apart
there's no easy way to break
somebody's heart.

she could have gotten angry
and make me feel like a guilty child
but i realize that never was her style
i wanted her to hurt me
and treat me not a friend
i wanted her to say
there'd be someday
i'd come crawlin' on my knees
to ask her back again
but she acted like a lady til the end
oh what a lady

i thought that she'd break down
but she smiled at me
and never made a sound
and i guess she understood
in her way
coz' the silence told me
everything she could not say
coz when it falls apart
there's no easy way to break
somebody's heart....


i am always at 'full emotion' whenever i sing (forgive me) or hear this song.
i just can't understand why this song will always be the first to come out of my mind
when i'm feeling sad. it's as if it is programmed to pop out.
oh well, it's another gloomy day.
and as far as i'm concerned it has been like this for couple of weeks now.
i wonder if they are already here, sucking out every bit of happiness i have and
reliving the ugliness of the past (sigh...sigh...sigh...)

Friday, August 19, 2005

ang labo mo men!

madalas mong iparamdam na may nararamdaman ka na para saken... nandyang nagseselos ka kapag nagkukwento ako ng mga "encounter" ko sa ibang lalaki, sumasama ang loob mo kapag hinde mo alam kung nasan ako, at ayaw mong may kausap akong iba kapag kinakausap kita... masarap sa pakiramdam, aaminin ko, oo natutuwa ako... at buo ang araw ko kapag nagkakausap taio... hayy...

magkaiba ang mundong ginagalawan naten, pero may mga paraan taiong naiisip at nagagawa para magkaunawa... isinasantabi ang mga bagay na walang kaugnayan sa isa't isa, kinakalimutan ang paligid pag magkausap at walang itinatago sa isa't isa...

unti unti, iba na ang nararamdaman ko... hinahanap hanap ka pag wala ka, sumasama ang araw pag hinde ka nakakausap... at, nalulungkot ako pag napapasama ko ang loob mo...

pinipilit kong kalimutan, alisin sa isip, isantabi... pero masyado malakas, mahina ako, at hindi ko kaya...

at nang magkaroon ng sapat na lakas ng loob, nabanggit ko saio na iba na yata ang nararamdaman ko, sobra na sa pagiging magkaibigan.. parang.. parang... parang nahuhulog na yata ako saio...

hindi ka kaagad nakasagot, nag-isip... at bawat salitang binitiwan mo, ay parang latigo [nampucha] na lumatay saken... hindi ka pa handa sa anuman patutunguhan ng ganyang pakiramdam, sabi mo, masyado pang maraming bagay kang iniisip, iniintindi...

fuck men, ano yun???

sinabi ko un, dahil gusto ko lang malaman mo! hindi ako humihingi ng anumang "commitment"... dahel ako mismo ay nasa komplikadong sitwasyon ngayon, sitwasyong hindi ko rin agad malalabasan.... ginusto ko lang malaman mo, for the sake lang na malaman mo... pero nasaktan ako ng sabihin mo, na sa sobrang gulo ng kinalalagyan mo ngayon, hindi ko gugustuhin na pumasok o makisali pa... funny... tingin mo ba, if ever na makikipagrelasyon ako saio na puro sarap lang ang gusto ko, na hindi man lang kita dadamayan sa gulong kinalalagyan mo?

ganyan pala ang tingin mo saken... ang labo mo!

[ang mga karakter na nabanggit sa kwentong ito ay pawang kathang isip lamang at hindi halaw sa tunay na buhay]

ulap

gusto kong lumipad
patungo sa isang lugar
malayo.. malayung-malayo
kasama ng mga anghel.

pero ang problema,
wala akong pakpak
kaya gustuhin ko man...
hindi ko naman kaya.

nandito na lang ako
walang ibang kayang gawin
kundi ang tumingin sa lugar
na ni hindi man lang maabot ng tanaw.

ikaw, na hindi kayang abutin
kahit anong pilit man ang gawin
tumatanaw ka rin ba sa kawalan
patungo sa lugar na kinatatayuan ko?

dahil hindi ko kayang lumipad,
sana na lang, isang araw
dumating ka at ilipad ako
sa tulong ng mga pakpak mo.

Thursday, August 18, 2005

you're weird, man

i was talking [chatting] to a friend the other day... and he blurted out this song he was [trying] to finish, with my help, he hoped... as i listen to it, i can't stop myself from laughing, it's just a silly song... because of this, we've only thought of [just] 1 paragraph and we can't move on... you might want to help us finish this song [wink]


"I have no pants...
...to hold my dick
It's way too big...
Just makes me sick.
I have no pants..."

HEY! Stop that! Take your finger out of my ass! <-- wasn't part of the song, but brought me on the verge of tears [from laughing so hard], so might as well put it here... hahahaha

Wednesday, August 17, 2005

oh, crap!

seems like just yesterday
you were a part of me
i used to stand so tall
i used to be so strong
your arms around me tight
everything, it felt so right
unbreakable, like nothin' could go wrong


back to memory lane...
we're good together... so good that it felt like i couldn't live without you. you're always so gentle with me, handles me with love and so much care, protects me from all the evil that surrounds us, careful not to let me shatter into pieces. everything i do is for you, everything i plan for myself includes you, my whole life depended on you.


now i can't breathe
no, i can't sleep
i'm barely hanging on

but then, things changed... for what reason, until now, i cannot comprehend.

here i am, once again
i'm torn into pieces
can't deny it, can't pretend
just thought you were the one
broken up, deep inside
but you won't get to see the tears i cry
behind these hazel eyes

things i fear, things i'm scared about, now all coming back, haunting me. you've changed, you've gone away, far from where i am.

i told you everything
opened up and let you in
you made me feel alright
for once in my life
now all that's left of me
is what i pretend to be
so together, but so broken up inside

'cause I can't breathe
no, i can't sleep
i'm barely hangin' on


i've tried so hard to win you back, [i know, pathetic me] but nothing i do makes you want to come back... now i felt so, so lost

swallow me then spit me out
for hating you, i blame myself
seeing you it kills me now
no, i don't cry on the outside
anymore...


i hated you, for the longest time i hated you... even cursed you to receive your karma three-folds of how you've hurt me...

now, come to think of it... i'm glad things didn't worked out...

'cause you're a useless piece of shit... no future... nothing at hand... you're just 'nothing' and worthless

[evil grin]