ranting
naiinis ako. oo, nakakainis!
maliit na bagay lang naman pero nakakainis pa rin. ni hindi nga ako sigurado kung kanino ba ako maiinis... sa'yo ba o sa sarili ko... dahil nagdesisyon ako ng isang bagay na parang gusto ko nang bawiin ngayon.
simula ng magka-cellphone ako, that was five years ago... iisang number lang ang ginamit ko. masyado kase akong senti. ayokong magpalit ng number. kung hindi lang din masisira ang sim, hinding-hindi talaga ako magpapalit ng number.
nauso ang suncellular. unlimited sun to sun text and call. ayos, di ba? napagkatuwaan namin ni bes na bumili ng sim. sya, ok lang kase nagagamit naman nya pagtawag sa kapatid nya sa davao. ako, wala lang... naengganyo nya lang ako bumili. sabi nya, para daw usap kami ng walang humpay sa sun. eh dahil malakas sya sakin, bumili na rin ako. pero hindi ko naman din nagagamit. una, aksaya sa load. eh si bes lang naman ang paggagamitan ko nun. baket pa, eh may smart naman at landline. at lalong baket pa... eh magkasama naman kami sa work. sus!
pero nung dumating ka, nagbago ang paningin ko sa suncel. biglang may silbi na sya para sakin. nagamit ko rin ang sim na halos hindi pa ubos yung free load dahil nga hindi ko naman sya talaga nagagamit simula nung binili ko sya. tapos nung naubos ang free load, hindi ko na na-loadan ulit. bakit pa eh may smart naman ako. at tsaka unlimited naman yung load mo... pede mo ko tawagan sa sun kahit na wala akong load.
pero hindi ka na-satisfy. dahil mas madalas pa ring smart ang gamit ko, maaksayado sa load para sayo. kaya isang gabi... bigla mo na lang sinabi na... "alam ko na kung pano ako makakatipid sayo. isaksak mo yung sun sim mo".
at dahil malakas ka sakin, sinunod ko naman ang sinabi mo. yun pala, pinadalhan mo ng load ang suncel ko. syempre, nahiya naman akong hindi gamitin yun. dahil alam ko, kaya mo ginawa yun eh para mas madali mo ko makontak, at para na rin masulit yung unlimited chenes. mga dalawa or tatlong beses mo rin ata ginawa yun. hindi ko na matandaan.
pero sa kalaunan, sablay pa rin. dahil mas madalas pa rin na smart ang gamit. nagagalit kase sakin yung nanay ko pag tinatawagan ako sa smart tapos hindi ako makontak. at dahil madalas na exclusive lang sa suncel ang nilo-load mo, hindi mo ako ma-text sa smart. hindi ko alam kung accurate ba itong pinagsasasabi ko. nire-recall ko na lang pero hindi ko na sigurado kung ganto nga talaga ang sitwasyon dati.
hanggang sa napagdesisyunan kong bumili ng extrang phone. nung una, binalak kong bumili ng second hand phone... kahit yung lumang model para lang open all the time yung suncel. tapos, naisip kong magpa-line. habol ko kase yung libreng unit. maswerte naman dahil na-approve ang line application ko. ang husay!
ayan... pwede na kitang i-text at tawagan ng walang humpay! sablay minsan dahil walang signal. pero ayos lang. at least, nagawan ko ng paraan na maging mas madali mo akong ma-access, and at the same time, hindi na nagagalit ang nanay ko.
pagkatapos ng ilang buwan, heto ka na. iba na naman ang gamit mong number. biglang globe na ang ginagamit mo. naiintindihan ko naman yung rason. halos lahat ng classmates mo, globe ang gamit. hindi nga naman reliable ang suncel to globe and vise versa na texts. sige, sabi mo eh.
nung una-papalit-palit ka pa ng sim. pero lately, hindi mo na totally ginagamit ang suncel. napapansin kong nawawalan na ng silbi ang extra kong phone. nagiging pampadami na lang sya ng dala sa araw-araw. eh ano na gagawin ko dito?
nag-uumpisa na akong mainis. araw-araw kong nakikita ang teleponong walang silbi. oo nga, nagagamit ko nga sya paminsan minsan pag nababato ako at walang magawa. pero hindi yun ang purpose kaya ako nag-suncel. hindi ko na nakikita yun ngayon.
hindi na ako nakatiis. sinabi ko sayong pinag iisipan ko nang ipaputol ang linya ng suncel ko. nagtanong ka kung baket. nagtanong pa! ako naman, sa kagustuhan kong ipaintindi sayo, ipinaliwanag ko. pagkatapos ng explanasyon, wala kang nasabi kundi nahihiya ka dahil ang laki ng nagawa ko para sayo. pagkatapos, tinanong kita ulit kung sa palagay mo ba, ipapaputol ko na. ang sagot mo... ikaw. sabi ko nga... salamat.
sabi mo, hindi mo talaga alam. hindi mo alam kung pano mag-desisyon sa mga bagay na ganito. masyado nga sigurong malaking desisyon ang kailangan dito. isa lang naman ang gusto kong marinig eh. isa lang ang iniisip kong sana man lang, sabihin mo.... "wag mong ipa-cut ang suncel mo kase temporary lang naman ang paggamit ko ng globe. may tinatapos lang kaming project ng mga group mates ko kaya kailangan isakripisyo muna ang suncel. mas priority ko naman yung suncel kaya lang, kailangan lang talaga. gagamitin ko din yun ulit pagkatapos"... or something to that effect.
pero taena... ang sabi mo lang, nahihiya ka. nahihiya ka tapos wala na. ang galing, di ba? inexplain ko pa sayo kung ano yung point ko eh wala rin naman pala. tinanong ko pa kung ano sa tingin mo ang dapat kong gawin pero wala naman akong nakuhang sagot. ah, oo nga pala... may sagot nga pala.. hindi mo alam. at parang sa salita mo, wala ka na talagang balak na palitan ang globe.
nakakainis lang. nakakainis talaga. gaya nga ng parati kong sinasabi, it's just a matter of priority. ako, priority kita kaya ginawan ko ng paraan para magkaroon ng extrang phone para at least naman eh maramdaman mo yung presence ko anytime na kelangan mo sya maramdaman. para na rin sakin, para at least pwede kong maramdaman ang presence mo anytime na kailangan ko sya maramdaman. pero lately, wala na yun. kase nga, hindi ako ang priority mo these days. parang yung ginawa ko, nawalan ng saysay. nakakainis lang isipin na parang hindi mo naisip yung ginawa ko para sayo. na gumawa ako ng isang desisyon na nababale-wala na ngayon. kunsabagay, napakinabangan ko rin naman yung suncel. ipapakita ko sayo minsan yung mga statements ko para makita mo kung sino lang ang tinatawagan ko gamit ang teleponong yun. baka sakaling mas ma-appreciate mo. baka sakaling maisip mo na hindi ka nga pala dapat nagpalit ng sim permanently.
sa dinami-dami ng sinabi ko, naiisip ko pa rin naman kahit papano ang statement na 'to.. BAKET, SINABI BA N'YA SAYO NA MAG-SUNCEL KA? BAKET PARANG ISINUSUMBAT MO SA KANYA ANG ISANG BAGAY NA IKAW NAMAN ANG MAY GUSTO??
sabi ko nga.
naiinis ako. pero lilipas din. ganun lang naman yun. ganun naman talaga lagi.

3 Comments:
hahaha! pede, pede!
By shadowlane, at 6:07 PM
sa kin magkakasilbi yung extra phone. pahiram mo. nakup! baka lalo uminit ulo...
By C Saw, at 2:39 AM
hehehe. hindi naman mainit ulo ko, ah!
By shadowlane, at 3:02 AM
Post a Comment
<< Home