she said... she said... she said...

Friday, September 09, 2005

pasko na!!!

september na naman. nakasanayan ko ng kapag dumarating ang september 1 eh nagpapatugtog na ko ng christmas songs dito sa pc ko sa office. every morning yan, from september 1 hanggang sa araw ng company christmas party. sabi nung ibang officemates, ang aga ko naman daw magpatugtog ng christmas songs. sabi ko naman, tama lang, para maalala ng mga boss na... uy pasko na naman! bonus season!! wehehehe.

parang ngayon... sobrang busy sa papers. at the same time, nagpapatugtog na naman ako ng christmas songs. so far, merong 57 christmas songs sa mp3 files ko. pinapatugtog ko silang lahat, pero naka-shuffle. para masaya, hindi alam kung anong susunod na song.

tapos....

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all
wu-hu-hu

napangiti ako.... na nauwi sa malakas na pagtawa. classic yan. parating nangyayari na kapag naririnig ko ang christmas song na yan ng jackson five eh bigla na lang akong tatawa ng malakas... for no reason at all.

pero no reason at all nga ba? hehehehe... balik tayo sa nakaraan.... some four or five years ago...

busy kami nun sa work. sa fil-estate pa ko nun nagtratrabaho. tahimik ng office. walang imikan. hindi ko sure, pero nagkakabadtripan na ata dahil sa sobrang dami ng trabaho at hapit para sa deadline. walang nagsasalita. kanya-kanyang concentrate sa ginagawa. pero may radio naman. sobra naman na yun kung wala man lang ingay na nanggagaling kahit sa radio. yun lang ang libangan namin nun, eh. radyo. wala namang internet sa office so walang ibang diversion. sa pagkakatanda ko eh lima kami sa area namin nun... ako... si janice... si elma.... si eric... si len... lima, diba? hehehe.

tapos...

people making list
buying special gifts
taking time to be kind to one and all...

ang mga tahimik at sobrang nagko-concentrate daw sa trabaho na mga tao eh biglang sabay-sabay kumanta ng...

wu-hu-hu

tapos sabay-sabay din nagtawanan. pinagtawanan ang mga sarili dahil sa nangyari. isang linya lang pala ng christmas song ang kailangan para mabasag ang sobrang katahimikan namin noon.
basta nakakatawa sya. antahimik tas biglang nag wu-hu-hu lahat. bwahahahahhaha...


sigurado ako... kagaya ko, kapag naririnig nila ang kantang 'to eh natatawa rin sila sabay balik-tanaw sa mga masasaya at makukulit na memories namin dati. isama pa ang mga drama at topak moments.

wala lang... nakakamiss!

7 Comments:

  • hehehehe...

    taenang kanta yan. bwahahahahhaa!!!!

    kung sana andito si diche sa birthday nya. [sad din]

    pero sige, planuhin natin. dapat bago mag year end. sana umuwi si diche!

    wu-hu-hu

    bwahahhahahaha!!!!

    By Blogger shadowlane, at 6:20 PM  

  • hahahahaha!!!

    naaalala ko pa tuloy ngayon kung ano'ng mga hitsura natin sa area na yun dati. lahat nakayuko pero biglang sabay-sabay nag wu hu hu. tas biglang tumawa lahat.

    ansaya!!!

    By Blogger shadowlane, at 6:30 PM  

  • wuhuhu...
    [sabay tayo kumpas ng kamay at sumayaw]

    oops. teka nakakahiya...[balik sa upuan]

    dtqjuzb

    By Blogger C Minor, at 2:41 AM  

  • merry christmas in advance :) pwedeng mamasko?

    By Blogger lws, at 5:50 AM  

  • hehehe natawa ako at naimagine ko na wuhuhu lang ang kinanta niyo...hehehe merry christmas!

    By Blogger chum, at 4:28 AM  

  • kanta tayong lahat...

    wu-hu-hu

    hahahahahah!!!!

    By Blogger shadowlane, at 8:47 PM  

  • makiki wuhuhu hahahahaha ako Maligayang Pasko:)

    By Blogger lws, at 10:15 AM  

Post a Comment

<< Home